Ang naglalanding dumalaga at inahin ay maaaring pakastahan sa pamamagitan ng;
Barako (natural)
A.I (artificial insemination)
*Barako – paggamit ng barako na pangkasta sa inahin. Magandang paraan ito kasi sa barako nalalaman kung nag lalandi ba ang inahin o hindi. Hindi gagalaw ang inahing naglalandi kung may barakong katabi. Mataas din ang bilang na nagbubuntis na inahin kung barako ang gagamtin.
*A.I (artificial insemination) – paraan ng pag sumpit ng semilya ng barako sa naglalanding inahin o dumalaga. Recommended sa mga gustong mag crossbreeding.
Advantage ng A.I (artificial insemination)
*Dahil gawa sa laboratoryo kaya netong paramihin ang semilya ng barako at makastahan ang maraming bilang ng inahin.
*Iwas pilay sa inahin at dumalaga lalo na kung malalaki ang barako.
*Iwas sakit tulad ng std.
*Kung marami kang inahin, hindi mo na kailangan ng maraming barako kasi sa laboratoryo kaya ito paramihin.
Para 100% mabuntis gamit ang A.I
*Dapat ay standing heat ang baboy
*Timing sa pag sumpit
*Pag aalaga sa semilya
Ito ay recommended sa mga commercial farms.
Nakagamit narin ba kayo ng A.I at kamusta naman ang anak neto?
doc anu feeding guide sa barako
Same lang sa fattener tapos 2.5 kg – 3 kg per day ang maintenance pagdating ng 6 months depende sa katawan nya.