Bakuna at Feeding Guide sa Buntis na Baboy

Mula araw ng pagkapanganak hanggang sa edad 8 months old at sa ika 2nd paglalandi ito ang tamang panahon para ito ay pakastahan.

Mula 111-121 days ang usual farrowing period, more or less ang expected due date ay (114 days) depende sa baboy.

Feeding Guide sa Buntis na Baboy

Mula araw ng pagkasta hanggang 21 days na buntis, give 2 kg / day gestating feeds.

21-90 days, give 2.5 kg / day gestating feeds.

90-110 days, give 3 kg / day gestating feeds.

Mula 111 days mag bawas ng half kilo kada araw at hanggang sa araw ng panganganak dapat wala na sya kakainin. Puro tubig lang unlimited drinker.

Bakuna sa Buntis na Baboy

Ang bilang ng araw ay mag uumpisa sa araw ng pagkasta:

Sa ika 85 araw ng pagbubuntis, give iron (jectran) 2.5 ml.

Sa ika 100 araw ng pagbubuntis, give iron (jectran) 2.5 ml.

Sa ika 105 araw ng pagbubuntis, purgahin ng Latigo 1000, ihalo sa feeds sa umaga.

Magdisinfect ng farrowing pen o paanakan gamit ang (MAJOR D) disinfectant.

Sa ika 106 araw ng pagbubuntis, paliguan at linisin ang balat at katawan ng inahin at ilipat sa farrowing pen o paanakan.

Bakuna sa Nagpapasusong Baboy

Day 1: araw ng panganganak, pagkatapos lumabas ang inunan, iwas impeksyon, give long acting antibiotic (oxytetra) 10 ml.

Day 2: Pampasigla, Pampagatas, give vitamin B complex (bexan sp) 5 ml.

Day 6: Anti Pneumonia, give mycoplasma (respisure) 2 ml.

Day 14: Para iwas laglag, luno, daga, patay na biik, mag Anti Parvo Lepto, give (farrowsure) 2 ml.

Day 30: Awatin at alisin ang inahin sa kulungan sa umaga. Huwag papakainin. Magbigay ng tubig unli drinker.

Day 31: Purgahin sa umaga ng latigo 1000 ihalo sa half kilo na feeds.

Day 32: Magbigay ng vitamin b complex at vit.ade, tulad ng norovit 5 ml.

Day 33: Flushing, busugin sa sustansya ang baboy 3 kilo feeds gestating per day. Samahan ng electrogen d+ Hanggang sa mag landi ( within 1 week).

Feeding Guide sa Nagpapasusong Baboy

Sa araw ng panganganak ay bawal pakainin pero dapat may nakalagay na unli drinker.

Sa ikalawang araw pagkatapos manganak, bigyan ng half kilo per day lactation pellet feeds gamit ang wet feeding + unli drinker.

Araw araw mag dagdag ng half kilo per day lactation pellet feeds gamit ang wet feeding + unli drinker hanggang sa ito ay maging 3 kilo per day na dami ng pagkain.

Ang dahilan rito ay para hindi mag over production ng gatas ang inahing baboy na maaaring mag resulta sa MMA. Maliliit pa kasi ang mga biik at kaunting gatas pa lamang ang kailangan nito.

Eto malaking tulong basahin nyo kompletong guide sa pag iinahin.

22 thoughts on “Bakuna at Feeding Guide sa Buntis na Baboy”

  1. Good eve po..ano po b months umpisahan turukan ng anti-hog at mga vitamins, tsak anti-parvo ang isang dumalaga po..1st nia p lng po mgbuntis?slamat po..ano po gude list nia.?slamat po..

    Reply
    • Atleast 6 months old po dumalaga. Dapat makompleto mo yan bago mag 8 months old. Ang sundin mo na guide yung nasa pang #1 sa listahan ng guide naten tungkol yun sa pag iinahin.

      Reply
  2. Hello Po ask ko lang Po pede pa Po bang turukan Ang buntis Ng jectran iron?di Po sya naturukan nung 100 days palang Ngayon Po ay 103 days na Po sya Ngayong buntis

    Reply

Leave a Comment

The maximum upload file size: 120 MB. You can upload: image. Drop files here

error: Please DO NOT COPY our articles. Copyright Infringement under Philippine Law is punishable up to 3 years imprisonment.