Mula araw ng pagkapanganak hanggang sa edad 8 months old at sa ika 2nd paglalandi ito ang tamang panahon para ito ay pakastahan.
Mula 111-121 days ang usual farrowing period, more or less ang expected due date ay (114 days) depende sa baboy.
Feeding Guide sa Buntis na Baboy
Mula araw ng pagkasta hanggang 21 days na buntis, give 2 kg / day gestating feeds.
21-90 days, give 2.5 kg / day gestating feeds.
90-110 days, give 3 kg / day gestating feeds.
Mula 111 days mag bawas ng half kilo kada araw at hanggang sa araw ng panganganak dapat wala na sya kakainin. Puro tubig lang unlimited drinker.
Bakuna sa Buntis na Baboy
Ang bilang ng araw ay mag uumpisa sa araw ng pagkasta:
Sa ika 85 araw ng pagbubuntis, give iron (jectran) 2.5 ml.
Sa ika 100 araw ng pagbubuntis, give iron (jectran) 2.5 ml.
Sa ika 105 araw ng pagbubuntis, purgahin ng Latigo 1000, ihalo sa feeds sa umaga.
Magdisinfect ng farrowing pen o paanakan gamit ang (MAJOR D) disinfectant.
Sa ika 106 araw ng pagbubuntis, paliguan at linisin ang balat at katawan ng inahin at ilipat sa farrowing pen o paanakan.
Bakuna sa Nagpapasusong Baboy
Day 1: araw ng panganganak, pagkatapos lumabas ang inunan, iwas impeksyon, give long acting antibiotic (oxytetra) 10 ml.
Day 2: Pampasigla, Pampagatas, give vitamin B complex (bexan sp) 5 ml.
Day 6: Anti Pneumonia, give mycoplasma (respisure) 2 ml.
Day 14: Para iwas laglag, luno, daga, patay na biik, mag Anti Parvo Lepto, give (farrowsure) 2 ml.
Day 30: Awatin at alisin ang inahin sa kulungan sa umaga. Huwag papakainin. Magbigay ng tubig unli drinker.
Day 31: Purgahin sa umaga ng latigo 1000 ihalo sa half kilo na feeds.
Day 32: Magbigay ng vitamin b complex at vit.ade, tulad ng norovit 5 ml.
Day 33: Flushing, busugin sa sustansya ang baboy 3 kilo feeds gestating per day. Samahan ng electrogen d+ Hanggang sa mag landi ( within 1 week).
Feeding Guide sa Nagpapasusong Baboy
Sa araw ng panganganak ay bawal pakainin pero dapat may nakalagay na unli drinker.
Sa ikalawang araw pagkatapos manganak, bigyan ng half kilo per day lactation pellet feeds gamit ang wet feeding + unli drinker.
Araw araw mag dagdag ng half kilo per day lactation pellet feeds gamit ang wet feeding + unli drinker hanggang sa ito ay maging 3 kilo per day na dami ng pagkain.
Ang dahilan rito ay para hindi mag over production ng gatas ang inahing baboy na maaaring mag resulta sa MMA. Maliliit pa kasi ang mga biik at kaunting gatas pa lamang ang kailangan nito.
Eto malaking tulong basahin nyo kompletong guide sa pag iinahin.
Ano po ba pinagkaiba ng gestating pellet sa developer.. At broodsow? Salamat.
Developer, Broodsow, Breeder, Gestating, same lang sila lahat.
Good day po, pwede ba sa Ika 100 days Ng pagbubuntis Ng baboy maghalo Ng milk maker na feeds ?
Bawal mag bigay ng lactation feeds sa buntis palang na baboy. Bigay mo lang after manganak. Ang sobrang gatas ay nakakasama maninigas dede at mapapanis gatas, mag kaka MMA yan.
magndang araw 4days napo before na kastahan ang inahing baboy ko po. tapos pagka 5days po may nakita po akung mga puti sa ihi ng inahin po maari po bang nakunan po salamat
Yung mga sobrang semilya lang po yun. Mula a.i bilang ka 21 days to check kung mag lalandi sya or hindi na.