Mula araw ng pagkapanganak hanggang sa edad 8 months old at sa ika 2nd paglalandi ito ang tamang panahon para ito ay pakastahan.
Mula 111-121 days ang usual farrowing period, more or less ang expected due date ay (114 days) depende sa baboy.
Feeding Guide sa Buntis na Baboy
Mula araw ng pagkasta hanggang 21 days na buntis, give 2 kg / day gestating feeds.
21-90 days, give 2.5 kg / day gestating feeds.
90-110 days, give 3 kg / day gestating feeds.
Mula 111 days mag bawas ng half kilo kada araw at hanggang sa araw ng panganganak dapat wala na sya kakainin. Puro tubig lang unlimited drinker.
Bakuna sa Buntis na Baboy
Ang bilang ng araw ay mag uumpisa sa araw ng pagkasta:
Sa ika 85 araw ng pagbubuntis, give iron (jectran) 2.5 ml.
Sa ika 100 araw ng pagbubuntis, give iron (jectran) 2.5 ml.
Sa ika 105 araw ng pagbubuntis, purgahin ng Latigo 1000, ihalo sa feeds sa umaga.
Magdisinfect ng farrowing pen o paanakan gamit ang (MAJOR D) disinfectant.
Sa ika 106 araw ng pagbubuntis, paliguan at linisin ang balat at katawan ng inahin at ilipat sa farrowing pen o paanakan.
Bakuna sa Nagpapasusong Baboy
Day 1: araw ng panganganak, pagkatapos lumabas ang inunan, iwas impeksyon, give long acting antibiotic (oxytetra) 10 ml.
Day 2: Pampasigla, Pampagatas, give vitamin B complex (bexan sp) 5 ml.
Day 6: Anti Pneumonia, give mycoplasma (respisure) 2 ml.
Day 14: Para iwas laglag, luno, daga, patay na biik, mag Anti Parvo Lepto, give (farrowsure) 2 ml.
Day 30: Awatin at alisin ang inahin sa kulungan sa umaga. Huwag papakainin. Magbigay ng tubig unli drinker.
Day 31: Purgahin sa umaga ng latigo 1000 ihalo sa half kilo na feeds.
Day 32: Magbigay ng vitamin b complex at vit.ade, tulad ng norovit 5 ml.
Day 33: Flushing, busugin sa sustansya ang baboy 3 kilo feeds gestating per day. Samahan ng electrogen d+ Hanggang sa mag landi ( within 1 week).
Feeding Guide sa Nagpapasusong Baboy
Sa araw ng panganganak ay bawal pakainin pero dapat may nakalagay na unli drinker.
Sa ikalawang araw pagkatapos manganak, bigyan ng half kilo per day lactation pellet feeds gamit ang wet feeding + unli drinker.
Araw araw mag dagdag ng half kilo per day lactation pellet feeds gamit ang wet feeding + unli drinker hanggang sa ito ay maging 3 kilo per day na dami ng pagkain.
Ang dahilan rito ay para hindi mag over production ng gatas ang inahing baboy na maaaring mag resulta sa MMA. Maliliit pa kasi ang mga biik at kaunting gatas pa lamang ang kailangan nito.
Eto malaking tulong basahin nyo kompletong guide sa pag iinahin.
hello po.pwede po ba magmix ng gestating at lactating sa 50days na buntis na mamapig? salaamat po
Gestating pellet lang po
Gud evening Po..any Po bang pwedi vitamins sa bagong kasta Po na inahin(bagong dumalaga).?
Cecical powder halo sa feeds
Good day po ask ko lng pwede po ba ito sa buntis na baboy? 2 buwan pa po cecical?
cecical good yan pang buntis at bagong panganak. sa lahat good naman yan