Bagong Panganak na Biik
Paano alagaan ang bagong labas na biik?
*Punasan ang bagong labas na biik gamit ang tuyo at malinis na basahan.
*Tanggalin ang bara sa ilong at bibig.
*Pasusuhin agad ang biik sa inahin.
*Talian ang pusod ng malinis na sinulid at lagyan ng betadine. Putulin ng maigsi ang pusod.
*Putulin ang dulo ng matutulis na ipin 4 sa taas at 4 sa ibaba gamit ang nail cutter. Iwasan masugatan ang gilagid.
*Putulin ang buntot para maiwasan ang kagatan pagsapit nila ng grower stage. Magtira ng 2 inches sa buntot sapat para takpan ang ari.

Pagpapasuso ng Colostrum
*May taglay na colostrum ang unang gatas na inilalabas ng inahing bagong panganak.
*Siksik ito sa antibodies na nagbibigay resistensya sa biik laban sa impeksyon.
*Maaari lamang ito masuso ng biik sa loob ng 36 oras kaya dapat ay maputulan agad sila ng ipin.
Heat Lamps (brooder)

*Maglagay ng brooder o painitan sa lugar ng paanakan para sa mga biik, 100 watts dilaw na ilaw.
*Madali kasing lamigin ang biik kung saan sila ay tumatamlay, nagkakasakit at paghinto sa pag suso at maaaring mamatay.
Kamusta mga Biik nyo?
https://www.alagangbaboy.com/bagong-panganak-na-biik/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-36.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-36-150x150.jpegPiglet / Fattenerbiik,brooder,heat lampPaano alagaan ang bagong labas na biik? *Punasan ang bagong labas na biik gamit ang tuyo at malinis na basahan. *Tanggalin ang bara sa ilong at bibig. *Pasusuhin agad ang biik sa inahin. *Talian ang pusod ng malinis na sinulid at lagyan ng betadine. Putulin ng maigsi ang pusod. *Putulin ang dulo ng matutulis...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Magandang araw po doc,ano po kaya pweding igamot sa mga boik,hindi naman po nagtatae.peeu laging nagsusuka po ng naghihina sila.25 days na po sila.salamat po
Apralyte + electrolytes ilagay mo sa inuman 5-7 days para dipo madehydrate.
lagyan niyo pong harang ang inahin or bakal sa mga gilid na hindi makakaliko ang ulo ng ng inahin
Admin ung mami pig q galit s mga bagung panganak nyang biik..kinakagat..d q tuloy mapadede sakanya..anu po b magandang gawin?
Himas himasin mo tiyan at dede. Stress condition pa kasi mamapig baka bata pa kase pina bulog na