Possibleng dahil sa labis na katabaan o kapayatan kaya ayaw o matagal bumalik sa paglalandi ang Inahing Baboy.
Mga dahilan;
*Impeksyon sa matris dahil sa panganganak.
*May mabaho at puting likido na lumalabas sa ari ng inahin (uti).
*Pagkakasakit ng inahin tulad ng ubo o lagnat.
*Sobrang taba o payat ng inahin.
*Silent Heater.
Mga dapat gawin;
*Boar Exposure – nose to nose contact iharap sa inahing baboy ang naglalaway na barako sa loob ng 5 minutes tuwing hapon.
*Isama o ihalo ang ayaw maglanding baboy sa mga fattener o iba pang inahin para ma stress.
*Huwag pakainin sa loob ng 1 araw para ma stress.
*Turukan ng pampalandi prostaglandin F2-alpha (PGF2-a).
*Best Option – humingi ng ihi o semilya ng barako sa mga nag seservice, pisikan sa ilong tuwing hapon ang ayaw maglandi na baboy.
Pag naturukan na ng gonadin ay possibleng bumalik sa paglalandi matapos ang 3 araw subalit pakatandaan na hindi lahat ng natuturukan ng prostaglandin ay fertile ang paglalandi.
Ano pa ginagawa nyo para bumalik sa paglalandi ang inahing baboy nyo?
Ano po kayang magandang ipainom SA inahin nung nkaraan po na naiwalay nmen cya SA mga biik nya may lumabas na outing likido sknya akala po nmen maglalandi na tpos po mdyo namaga ung ari nya inaantay po namen ang 3 days kaso wla na po lmbas sknya .
Bat kase nag bibilang ka ng araw? Riding the back test ang gagawin mo. Duon mo malalaman kung papasampa na sya or hindi.
Admin naglandi na nong una yong baboy ko. Pero ndi na ulit naglandi until now. Lagpas na ng isang buwan. Ano kaya pwd gawin sa mga baboy ko?
Pisikan mo ihi ng barako sa ilong.
Yung baboy ko po naglandi na tapoz nag reheat.tapoz ngayon naglandi na Naman kaso ayaw Niya po sa barako.. ano dapat po gawin.malilipasan na siya pang 4 days Niya ngayon ayaw talaga Niya magpasampa
Perform mo yung riding the back test. Pag standing heat lang yan mag papasampa.