Mas bumababa ang bilang ng mga pinapanganak na buhay na biik kapag;
*Matanda na ang inahin at nanganak ng 5-6 na beses.
*Stress ang inahin bago manganak.
*Anemic ang Inahin.
*Kung sa vitamins b, a,d,e.
*Kontaminado ng molds ang pagkain ng inahin.
*Kontaminado ng baktirya at parvo virus.
Ang isang magandang inahin ay dapat manganganak ng hindi bababa sa 9 na biik bawat anakan (parity).
Timbang ng Biik
Dapat tumitimbang ang biik ng 1.3 – 1.5 kg o average na 1.4 kg bawat biik pagkapanganak. Kung ang timbang ng biik ay 1 kg o mas mababa pa, maaaring kakaunti ang pinakain sa buntis na inahin. Tignan ang aming feeding program para sa buntis na baboy.