Ang MMA ay karaniwang nakikita sa unang 3 araw pagkapanganak ng baboy.
Mga senyales ng MMA
*Matigas at namamagang suso, ayaw magpasuso ng inahin.
*Pagkawala ng gatas.
*May lumalabas na mabahong likido sa ari ng inahin indikasyon ng impeksyon o kaya ay naiwang inunan sa loob ng matris.
*Lagnat at pagtamlay sa pagkain.
Saang galing ang MMA?
*Mula sa mga bacteria na e.coli at staphylococcus aureus.
Paggamot sa MMA
*Turukan ng ant*b**tic 1 ml kada 10 kg timbang ng inahing baboy (approximately 10 ml) pagkatapos mailabas ang inunan.
*Bigyan ng ant* inflammatory para mawala ang pamamaga at lagnat.
*Bigyan ng Oxytoc*n – ang gatas na hindi nailabas ay maninigas kaya dapat itong mailabas.
*Hot Compress – para makabawas sa pamamaga.
Ano ang ginawa nyong solusyon sa MMA?
Good day po Sir/Madam tanong ko lang po sa inyo nanganak mamapig ko 13 lahat sila 7days na po kaso kunti lang po ang gatas ni mamapig at parang pumapayat na at humihina ang mga biik alin po dapat gawin ko po!🐷💖🙋
Wala po bang gatas yung ganito? MMA ba?
Saglit lng sya magpadede. Malakas naman kumain. 7days na mula panganak.
May discharge na lumalabas sa ari Niya.
Ano po pwedi igamot? Pwedi ba robipenstrep?
May konting gatas po pero dapat malaki at pantay sila lahat. Yes pwede ang gamot na yan.