Ang MMA ay karaniwang nakikita sa unang 3 araw pagkapanganak ng baboy.
Mga senyales ng MMA
*Matigas at namamagang suso, ayaw magpasuso ng inahin.
*Pagkawala ng gatas.
*May lumalabas na mabahong likido sa ari ng inahin indikasyon ng impeksyon o kaya ay naiwang inunan sa loob ng matris.
*Lagnat at pagtamlay sa pagkain.
Saang galing ang MMA?
*Mula sa mga bacteria na e.coli at staphylococcus aureus.
Paggamot sa MMA
*Turukan ng ant*b**tic 1 ml kada 10 kg timbang ng inahing baboy (approximately 10 ml) pagkatapos mailabas ang inunan.
*Bigyan ng ant* inflammatory para mawala ang pamamaga at lagnat.
*Bigyan ng Oxytoc*n – ang gatas na hindi nailabas ay maninigas kaya dapat itong mailabas.
*Hot Compress – para makabawas sa pamamaga.
Ano ang ginawa nyong solusyon sa MMA?
Maliban sa hot compress sa namamagang suso ng inahing 2 weeks ng nanganak ano pa po yong ibang gawin pra bumalik sa normal ang dede
Basahin mo sa guide na MMA pang #37 sa list ng guide. Yun kasi problema mo para matutunan mo.
Tumigas po dede nya 2days old after manganak.mahina dn po xa ayaw kumain.nahihirapan tumayo..anu po b maipapayo mu doc..nagturok n po aq bcomplex.tas pinainum q ndin po ng antibiotic
Inject mo antibiotic at sundin mo lahat ng nasa guide. Pati lahat ng inject na kailangan para sa bagong panganak dahil kung una palang wala kana inject ay problema sunod sunod yan.
Ano Po ba Yung dahilan nito. May dugo na lumalabas sa Dede tapos Po may pasa. Kapapanganak pa Po lang Ng inahin..
Possible trauma, napalo, or nasabit, sensitive kase ang dede.. mag antibiotic po kayo 10 ml para makaiwas impeksyon at hindi magkaproblema sa gatas.