Ang mga bata at matandang inahin ang madalas na nagkakaroon ng problema sa matagal na panganganak.
Sa mga Batang inahin;
Dahil inaasahang kaunti ang bilang na iaanak ng dumalagang baboy ay lumalaki ang mga biik.
Hindi pa fully develop ang pelvic cavity kaya’t hindi makalabas ang biik.
Sa mga Matandang inahin;
*Uterine Inertia – pagod sa panganganak dahil sa maraming bilang ng biik na ipinanganak.
Mga dapat gawin;
*Hayaang manganak ang Inahin
*Kung lagpas sa 15 minuto at wala padin kasunod na biik ay tulungan na ang inahin.
*Patayuin ang inahin – maaaring mabago ang posisyon ng biik kung tatayo ang inahin. Kusa namang hihiga ito kung humilab ang tiyan.
*Dukutin ang biik gamit ang mahabang gloves.
*Turukan ng pampahilab o oxytocin – hanggang 3 beses sa pagitan ng 15 minuto.
Ano pa ibang ginagawa nyo sa mga hirap at matagal manganak na inahin?
Magandang hapon po tanong ko lng po doc ano po dapat ipakain sa inahan matamlay po xia kumain simula nong nanganak xia 18 days na po ngayon bale hindi po lumabas yong biik at inunan niya sabi kc dito sa amin matutunaw lng ng kusa kc hindi pa na hanginan yong nasa loob araw² din may lumalabas sa ari niya pero ok naman ang inahan nakakatayo at palaging umiinom ng tubig yon lng hindi kakain ng feeds
Mas maganda kase sinusunod inject guide naten sa bagong panganak yon kase solusyon. Pang #1 s baba na guide yon.
119days na po momypig,pero ndi p xa nanganganak. Mapipintog na at mapupula mga dede nya pero wla pa lumlbas na gatas at kahit mn sa cervix nya wla pa rin po liquid. Ano po dpt gawin
Kapain mo tiyan kung nagalaw biik.
Hello. Ano ilang oras interval ng pagpapadedi ng gatas ng kakapnganak na biik?wala napo c mama pig.
40 minutes po pagitan.