Ang mga bata at matandang inahin ang madalas na nagkakaroon ng problema sa matagal na panganganak.
Sa mga Batang inahin;
Dahil inaasahang kaunti ang bilang na iaanak ng dumalagang baboy ay lumalaki ang mga biik.
Hindi pa fully develop ang pelvic cavity kaya’t hindi makalabas ang biik.
Sa mga Matandang inahin;
*Uterine Inertia – pagod sa panganganak dahil sa maraming bilang ng biik na ipinanganak.
Mga dapat gawin;
*Hayaang manganak ang Inahin
*Kung lagpas sa 15 minuto at wala padin kasunod na biik ay tulungan na ang inahin.
*Patayuin ang inahin – maaaring mabago ang posisyon ng biik kung tatayo ang inahin. Kusa namang hihiga ito kung humilab ang tiyan.
*Dukutin ang biik gamit ang mahabang gloves.
*Turukan ng pampahilab o oxytocin – hanggang 3 beses sa pagitan ng 15 minuto.
Ano pa ibang ginagawa nyo sa mga hirap at matagal manganak na inahin?
Good p.m po doc. Paano malalamaN kung na buntis na ang inahing baboy sept 26 po nmin sya pina A.I. wla din po kmi nakikita pa na sign na nag landi sya ulit sana po masagot po ninyo ang aking katanungan salaMat po doc.
Ang sundin mo na guide dito yung pang #1 tungkol sa pag iinahin andun po sagot na hanap nyo.
Gud day po yung baboy ko pa 117 days na hindi pa po nanganganak ano po kya magandang gawin slamat po.
Ano napo signs na manganganak sya?
Pano po pag d mailabas ang biik,nalabas na ang nguso ng biik pero d kasya ang ulo kaya d mailabas,d din kasya kamay kaya d madukot,nagturok nko ng oxytocin d parin kaya
Hindi maganda inahin mo maliit pwerta. Dukot lang talaga soluyon.