Ang mga bata at matandang inahin ang madalas na nagkakaroon ng problema sa matagal na panganganak.
Sa mga Batang inahin;
Dahil inaasahang kaunti ang bilang na iaanak ng dumalagang baboy ay lumalaki ang mga biik.
Hindi pa fully develop ang pelvic cavity kaya’t hindi makalabas ang biik.
Sa mga Matandang inahin;
*Uterine Inertia – pagod sa panganganak dahil sa maraming bilang ng biik na ipinanganak.
Mga dapat gawin;
*Hayaang manganak ang Inahin
*Kung lagpas sa 15 minuto at wala padin kasunod na biik ay tulungan na ang inahin.
*Patayuin ang inahin – maaaring mabago ang posisyon ng biik kung tatayo ang inahin. Kusa namang hihiga ito kung humilab ang tiyan.
*Dukutin ang biik gamit ang mahabang gloves.
*Turukan ng pampahilab o oxytocin – hanggang 3 beses sa pagitan ng 15 minuto.
Ano pa ibang ginagawa nyo sa mga hirap at matagal manganak na inahin?
Salamat po
Ano po ba ang indication na goods gawing inahin ang isnag baboy? Thanks!
I haven’t yet sir