Ang mga bata at matandang inahin ang madalas na nagkakaroon ng problema sa matagal na panganganak.
Sa mga Batang inahin;
Dahil inaasahang kaunti ang bilang na iaanak ng dumalagang baboy ay lumalaki ang mga biik.
Hindi pa fully develop ang pelvic cavity kaya’t hindi makalabas ang biik.
Sa mga Matandang inahin;
*Uterine Inertia – pagod sa panganganak dahil sa maraming bilang ng biik na ipinanganak.
Mga dapat gawin;
*Hayaang manganak ang Inahin
*Kung lagpas sa 15 minuto at wala padin kasunod na biik ay tulungan na ang inahin.
*Patayuin ang inahin – maaaring mabago ang posisyon ng biik kung tatayo ang inahin. Kusa namang hihiga ito kung humilab ang tiyan.
*Dukutin ang biik gamit ang mahabang gloves.
*Turukan ng pampahilab o oxytocin – hanggang 3 beses sa pagitan ng 15 minuto.
Ano pa ibang ginagawa nyo sa mga hirap at matagal manganak na inahin?
Good day ilang days po ba ang antayin pag lumagpas nang 114days ang buntis na inahing baboy? Salamat po
Ano po ba ang tamang pag bilang nang araw sa pag AI? Example june 26 na AI nxt day po ba ang pag bilang june27 ?
Dedepende kana sa signs after 114 days. Dun na malalaman sa signs kung kelan manganganak.
Doc pwede po ba mag inject ng lutalyze kahit hindi over due, kahit sa pag lalabor pa ng inahin, wla bang side effect sa inahin? kasi po naangyari sa isang inahin ko na nag 114 days noong may 23,kinabukasan na nag labor umaga may 24 bandang 9 am, umabot nlng hanggang gabi wla parin lumalabas na biik ang dahilan lng ay natutulog lng ang inahin, hindi tinutulak palabas ang biik niya sa tiyan niya,, nkapag inject ako ng lutalyze kinabukasan narin may 25 na, pag gabi lumabas na ang biik pero patay na lahat,, kaya po tanong ko okay lng ba mag inject ng lutalyze pag nagsimula na mag labor ang inahin?
Safe yan lutalyse boss kahit before pa due date