Ang Parity ay ang dami ng beses ng panganganak ng inahin. Inaasahang ang mga dumalaga ay mag aanak ng kakaunti lamang na biik, minsan mababang kalidad at hindi pantay ang laki.
Ang pinaka magandang performance ng inahin ay sa ika 3, 4 at 5 na panganganak.
Sa ika 6 at 7 inaasahang madami ring iaanak na biik subalit maraming hindi pantay ang laki at kung minsan marami ang bansot.
Tumataas din ang bilang ng stillborn o patay na biik habang pinapanganak.
Habang tumatanda ang mga inahin nagiging mas pabaya ang mga ito kaya tumataas ang bilang ng biik na naiipit at namamatay.
Maaari namang i CULL ang mga inahing nakapanganak na ng 6-8 beses kung ito ay hindi na maganda mag perform.
Sa loob naman ng 6 na panganganak, dapat ay nakapagluwal ang inahin ng hindi bababa sa 57 na biik na buhay at nakapagwalay ng 51 na biik.
Kayo ba naka ilang beses nanganak inahing baboy nyo?
Pang ilang days po dapat ibigay Ang lutalyse? 115 days na po Kasi Ngayon
Pwede na magbigay basta due date na. Lutalyse 2 ml.
Hello po,paanu po kung sumobra na sa 120 days ung inahin pero Hindi pa rin nanganganak?
Lutalyse po ang gamitin nyo para maglabor sya. Un ay kung buntis talaga.
Anong breed po ba ng baboy ang kilala sa pagbibigay ng maramihang anak? Thanks and merry Christmas!