Isa sa pinaka grabeng sakit ng baboy na tumatama sa anumang edad ang hog cholera. Mataas ang mortality rate o bilang ng namamatay sa sakit na ito.
Palatandaan ng Hog Cholera
*Walang gana kumain at matamlay.
*Giniginaw, nanginginig at nagkukumpol kumpol.
*Nagtatae ang baboy.
*Namumula at nagluluha ang mata.
*Mataas na lagnat.
*Hirap lumakad.
*Kulay talong na balat.
*Namamatay matapos ang 20 days.
Pag iwas sa Hog Cholera
*Magbakuna ng anti hog cholera vaccine sundin lang ang nakasulat sa karton ng gamot.
*Mag disinfect 2 beses kada linggo kung may hinihinalang hog cholera sa babuyan.
Gamot sa Hog Cholera
*Walang gamot ang direktang pupuksa sa virus na ito.
*Magbigay ng long acting antibiotic para makaiwas sa komplikasyon.
Hello po first time ko po mag alaga nag baboy,normal lang po ba na magtae pagkatapos etong purgahin?35 days old Nila walay nung pinorga Latigo 1000 pang 38 days old na po ngayon binigyan kopo appralyt at electrogen cmula nag pagwalay sa Kanila.salamat po sa sasagot
Over stress kaya nag tae. Mali paraan sa pag purga.
Hello po….pwedi po Maka hingi Ng name or brand Ng mga vaccine para sa Hog Cholera po.. kung saan² or Kani kaninong mga nag rereels na po ako nag ask wala Naman pong sumasagot 😔.. bagohan lang po ako sa pag aalaga Ng mga baboy po.. sana po matulongan nyo ako.. maraming salamat po..😇🥰
Sa agri store or tindahan ng feeds saka sa mga technician or veterinaryo sa inyong lugar dun po kayo humanap kase kung sa online madalang yan saka iba iba ang brand names na available eh.
Tanong lang po ano po ba dapat gawin last year po namatayan po ako ng dalawang inahin at 10 fattening tapus bumalik ako ngayun sa pag alaga manganganak napo ngayun natatakot po akong bumalik yung nangyari sa mga alaga ko kc ngayun sa lugar namin dami na rin po namamatay po dahil sa sakit d ko po alam anong sakit na pumapasok.. Salamat po
Proper disinfection lang po every month mag disinfect ka gamit major d or microban gt at kompletohin mo sila sa bakuna.