Isa sa pinaka grabeng sakit ng baboy na tumatama sa anumang edad ang hog cholera. Mataas ang mortality rate o bilang ng namamatay sa sakit na ito.
Palatandaan ng Hog Cholera
*Walang gana kumain at matamlay.
*Giniginaw, nanginginig at nagkukumpol kumpol.
*Nagtatae ang baboy.
*Namumula at nagluluha ang mata.
*Mataas na lagnat.
*Hirap lumakad.
*Kulay talong na balat.
*Namamatay matapos ang 20 days.
Pag iwas sa Hog Cholera
*Magbakuna ng anti hog cholera vaccine sundin lang ang nakasulat sa karton ng gamot.
*Mag disinfect 2 beses kada linggo kung may hinihinalang hog cholera sa babuyan.
Gamot sa Hog Cholera
*Walang gamot ang direktang pupuksa sa virus na ito.
*Magbigay ng long acting antibiotic para makaiwas sa komplikasyon.
Good day po..
Kung mag turok po ba ng vaccine for hog cholera, kailangan sabay lahat ng baboy sa piggery ay turukan? Paano po kung may mga buntis na SOW po?
Salamat po sa pag sagot.
Godbless
Kung sino lang kasama nya sa kulungan tulad sa fattening sabay sabay sila bakunahan. Kapag buntis na sow bawal mag bakuna dyan.
mam nka vaccine n po kmi ng hog cholera pero ng hina kumain ung mama pig nmin,ung ibang mga mama pig po di nka survive..anu po magandang gawin
Disinfect every month saka lagi dapat tuyo sahig para dipo kumalat sakit
Pahinge po ng sample po ng gamot sa anti cholera po kung maari po sana picture po ng gamot salamat po
Vaccine po dapat dyan. Pero dipo gagana yan dahil may sakit na. May antibiotic ka oxytetracycline saka electrolytes. At mag disinfect.