Paano alagaan ang bagong labas na biik?
*Punasan ang bagong labas na biik gamit ang tuyo at malinis na basahan.
*Tanggalin ang bara sa ilong at bibig.
*Pasusuhin agad ang biik sa inahin.
*Talian ang pusod ng malinis na sinulid at lagyan ng betadine. Putulin ng maigsi ang pusod.
*Putulin ang dulo ng matutulis na ipin 4 sa taas at 4 sa ibaba gamit ang nail cutter. Iwasan masugatan ang gilagid.
*Putulin ang buntot para maiwasan ang kagatan pagsapit nila ng grower stage. Magtira ng 2 inches sa buntot sapat para takpan ang ari.
Pagpapasuso ng Colostrum
*May taglay na colostrum ang unang gatas na inilalabas ng inahing bagong panganak.
*Siksik ito sa antibodies na nagbibigay resistensya sa biik laban sa impeksyon.
*Maaari lamang ito masuso ng biik sa loob ng 36 oras kaya dapat ay maputulan agad sila ng ipin.
Heat Lamps (brooder)
*Maglagay ng brooder o painitan sa lugar ng paanakan para sa mga biik, 100 watts dilaw na ilaw.
*Madali kasing lamigin ang biik kung saan sila ay tumatamlay, nagkakasakit at paghinto sa pag suso at maaaring mamatay.
Kamusta mga Biik nyo?
Ilang days po need lagyan ng brooder lamp ang biik?
Hanggat nilalamig sila. At mapapansin mo kumpulan ma.tulog
Hanggat sila ay kumpulan matulog nilalamig pa sila.
Yung inahin ko po nanganak noong 19, tas diko namalayan inuod napala yung vagina nya tas paglipas ng mga ilang araw ng ginamot ko ay naging matamlay at d agad kinakain ang feeds na aking binibigay ngunit palagi po syang umiinom ng tubig.
Purgahin mo boss. Pang #8 sa baba na guide basahin mo para matuto ka mag purga.
gud am po ask lang po ilang days bago paliguan ang bagong nanganak na ihain?saken po kasi 7days na ngaun araw after nya manganak pede na po ba paliguan?
Yes 7 days after manganak paliguan mo na.